IN full support ang buong cast ng longest-running gag show ng GMA Network for 23 years, ang Bubble Gang, sa kanilang creative director na si Michael V, sa nalalapit na opening ng movie niyang Family History, na first directorial job niya, writer, actor, at producer under Mic Test Entertainment at GMA Pictures. Katambal ni Bitoy dito ang mahusay na aktres na si Dawn Zulueta.

Bitoy at Dawn

Kaya sa pangunguna ni Boy 2 Quizon, kasama sina Paolo Contis at Antonio Aquitania, nag-organize sila ng block screening para sa Family History kasabay ng opening nito sa July 24.

“Tatawagin nating ‘Bubble Gang’ block screening ito kasabay ng opening day ng movie,” sabi ni Boy 2.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Nag-decide kami to show our love and at the same time, make feel na parang we are all united and we are all part of it. Gaganapin namin ito sa Ayala Vertis North. Magiging bonding time naming lahat ito dahil nag-imbita rin kami ng mga icons ng ‘Bubble Gang’, iyong mga unang gumanap sa gag show, so tiyak na masaya ito.”

Kaya kaabang-abang kung dadalo sa block screening si Ogie Alcasid, na isa sa mga original casts ng Bubble Gang at best friend pa ni Bitoy.

Tuwang-tuwa rin si Boy 2 na natupad na rin ni Direk ‘Toy (Bitoy), ang life-long dream nito. At hangad nila ang tagumpay ng Family History.

Magkakaroon muna ang Family History ng red carpet premiere night sa SM Megamall, ngayong araw, July 23.

Sa Miyerkules, July 24 ang opening ng pelikula na binigyan ng Grade B ng Cinema Evaluation Board (CEB).

-NORA V. CALDERON