SEMARANG -- Nakapag-ambag ng medalya si swimming phenom Micaela Jasmine Mojdeh sa kampanya ng Team Philippines sa 11th ASEAN Schools Games nitong Sabado sa Semanang swimming center sa Indonesia.

MOJDEH! Bronze medalist sa unang sabak sa ASEAN tilt.

MOJDEH! Bronze medalist sa unang sabak sa ASEAN tilt.

Laban sa mas malalaki at mas matatandang karibal, matikas na nakihamok ang pambato ng Swim Pinas para makamit ang bronze medal sa girls 100m butterfly.

Naitala ng 13-anyos na incoming high school sa Brent International ang tyempong isang minuto at 03.60 segundo, sapat para lagpasan ang dating Philippine Junior record na (1:04.08) na naitala niya rin may dalawang linggo na ang nakalilipas sa PSI Grand Prix Nationals sa Manila.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Dikitan ang laban mula simula hanggang sa huling para makapuwesto sa podoum sa likod nang karibal na sina Malaydian Alma Louise Bendix (1:02.28) at Ho Keesha (1:03.46).

“It was really such a close race. That I almost fainted praying so hard that she keeps on the fighting heart alive coming from her 400 IM swim that she gave all her best also lowering her time by 5 seconds and coming back couple of minutes and swimming again and getting that bronze in the 100 fly and breaking her own Junior Ph record she set 2 weeks ago only,” pahayag nang nagbubunying ina ni Jasmine na si Joan Mojdeh.

Her smile upon touching that touchpad was so priceless that as if she really broke the world record because she knows that 3rd is really hard fought and she understood that she has to fight the Asean School Games one step at a time. We cried really getting that bronze is like winning the gold already,” aniya.

Ito ang unang pagkakataon na naging bahagi ng Philippine Team si Mojdeh. Bilang premyadong swimmer ng Philippine Swimming League (PSL), nabatak sa kompetisyon si Mojdeh at tanghaling ‘Most Bemedalled Athlete’ sa Palarong Pambansa sa elementary division.

“Thankful and humbled at this young girl who keeps on shocking us with her amazing swims. Thanks Ate Jas for continuing to push yourself everytime you compete. You have never forgotten the words of Coach Susan (Papa),” aniya.

Sa unang araw ng kompetisyon,nagwagi rin sina Philippine Junior national record holder Thanya Angelkyn Dela Cruz ng silver medal sa gorls 50m breastroke (33.82), habang bronze angnaiuwi ni Philip Joaquin Santos sa boys 200m backstroke .