NAGULAT din pala si Kapuso teen actress Bianca Umali sa lumabas na natural chemistry nila ni Migo Adecer, ang isa pang ka-love team ng aktres sa epic serye nilang Sahaya ng GMA 7. Sa Twitter daw niya nalaman na marami palang may gusto sa kanila ni Migo at binigyan pa nga sila ng name na JorSah for Jordan at Sahaya, mga names nila sa serye nila.

Bianca at Migo

“We are both surprised po talaga ni Migo dahil nagkikita at nagkakausap lamang kami kapag mag-ieksena na kami,” sabi ni Bianca. “Ang personal conversation po namin kapag magkasama na kaming naghihintay ng take, nasa kani-kanila lamang kaming tent kapag tapos na ang eksena. Wait na lang po kayo kung ano ang mangyayari sa JorSah team sa mga susunod na eksena.”

Matagal-tagal na ring nami-miss ng netizens ang mga eksena nila ni Miguel Tanfelix bilang si Ahmed sa serye.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Naghahanap na rin po ang mga fans namin, pero nasa Tawi-Tawi na si Ahmed, umuwi muna siya sa kampong namin doon para ayusin ang kanyang pamilya at matulungan din ang lolo kong si Alari (Migo Adecer).

“Very supportive naman po ni Miguel sa love team namin ni Migo, it’s good lamang na pareho kaming hindi nag-close ng chance na makitrabaho sa ibang tao, iyong kami lamang palagi ang magtatambal, mas mabuti iyong iba’t iba ang kasama namin sa mga projects na ginagawa namin.”

But kung mapapansin pa rin, sunud-sunod man ang projects nila ni Miguel, mapa-TV at movies man, sila pa rin ang magkatambal. Katatapos lamang ipalabas ang horror movie nilang Banal at sa July 24 ay showing na rin nationwide ng movie nilang Family History kasama sina Michael V at Ms. Dawn Zulueta, na ginawa nila kasabay ang taping nila ng Sahaya.

“Marami pa pong mangyayari sa ‘Sahaya’ ngayong mag-isa na lamang siya dahil pinalayo na niya si Jordan sa kanya at si Ahmed nga ay nasa Tawi-Tawi muna. Abangan po nila ang pagbalik ni Ahmed sa Manila,” dagdag pa ni Bianca.

Ang Sahaya ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

-NORA V. CALDERON