Humihiyaw ng “You die!” ang isang lalaki na bigla na lang pumasok sa animation production studio sa Kyoto, Japan, saka ito sinilaban, ngayong Huwebes ng umaga, na ikinasawi ng 13 katao, at ng pinaniniwalaang 10 iba pa.
Nasa 36 na katao naman ang nasugatan, ang ilan sa kanila ay kritikal, ayon sa Japanese authorities. Karamihan sa mga nasugatan ay mga empleyado sa Kyoto Animation, na kilala sa mga mega-hit stories nito na nagtatampok sa mga babaeng high school students.
Nagsimula ang sunog sa tatlong-palapag na gusali sa Kyoto, makaraang mag-spray ang suspek ng hindi pa tukoy na liquid accelerant, ayon sa mga opisyal ng Kyoto prefectural police at fire department.
Labintatlo ang kumpirmadong patay sa una at ikalawang palapag, ayon kay Kazuhiro Hayashi, ng Kyoto fire department.
Sa ikatlong palapag, mahigit 10 iba pa ang walang malay, at posibleng bawian din ng buhay.
Nag-iimbestiga na ang pulisya sa anggulong arson.
Sinabi naman ng mga survivors na hindi nila katrabaho ang suspek na humiyaw ng ”(You) die!” bago sinimulang iwisik ang likod at sumiklab ang sunog, ayon sa Japanese media reports.
-AP