BIGLANG usap-usapan ngayon si Jane de Leon, makaraang ihayag ng Star Cinema nitong Miyerkules na siya ang gaganap bilang Darna sa remake ng pelikula ng Pinay superheroine.

Jane

Nagpasalamat naman si Jane sa isang post niya sa Instragram nitong Miyerkules din: “Maraming maraming salamat po sa tiwala!. Pangako po na pagtatrabahuan ko po ito at ibibigay ko ang lahat. #Narda #DARNA #SOON.

Kaagad namang inulan ng pagbati si Jane, at kabilang sa mga nag-congratulate sa kanya ang dalawang unang pinili para magbida bilang Darna: sina Angel Locsin at Liza Soberano.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Komento ni Liza kay Jane: “Congratulations.”

Sinagot ito ni Jane ng, “Thank you so much hope!”

“Congratulations, Jane de Leon” naman ang pagbati ni Angel, na sinagot naman ni Jane ng, “Maraming salamat po, Ate.”

Matatandaang hindi umubrang gampanan uli ni Angel ang Darna role makaraang magkaproblema siya sa spine, kaya napunta kay Liza ang most coveted role.

Gayunman, binitiwan din ni Liza ang role dahil kinailangan niyang ipagamot ang nadurog na buto sa kanyang daliri makaraang maaksidente sa taping ng teleserye niyang Bagani.

Nag-congratulate rin kay Jane sina Megan Young, Jolina Magdangal, Iñigo Pascual, Michelle Vito, Maymay Entrata, Darren Espanto, at marami pang iba.

Speaking of Instagram, mukhang biglang sikat si Jane, makaraang mapaulat ang biglaang pagdami ng kanyang social media followers makaraang ihayag ang pagkakapili sa kanya bilang bagong Darna.

Si Jane ay dating miyembro ng Girltrends sa It’s Showtime, at huling napanood sa teleseryeng Halik.

Sinabi ng Star Cinema sa pahayag nito noong Miyerkules na si Jane ang napili nila sa 300 celebrities na nag-audition para sa Darna role.

-NITZ MIRALLES