HANDA bang magalboruto ang Bicol Volcanoes sa MPBL Lakan Cup?

Maririnig mula sa mga opisyal at players nang Volcanoes ang katatagan ng koponan sa pagsabak sa community-based league na itinataguyod ng Senador Manny Pacquiao.

Personal na ihahayag ng Volcanoes ang kahandaan sa liga sa pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon (Hulyo 18 ) sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Pangungunahan nina Bicol Volcanoes president Gil Orense at vice president Mark Tan ang TOPS session na magsisimula ganap na 10 ng umaga , sa pakikipagtulungan ng tagasuporta ng Bicol tulad nina LCC Department Store president Ed Ponce at LCC Supermarket head Eric Poiret.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Makikiisa rin sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), National Press Club, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks, sina Bicol assistant coach Ronnie Dojillo at players.

Ang Volcanoes ay pinagbibidahan nina ex-PBA star Ronjay Buenafe, Chris Lalata at Jerome Garcia, Tangan ng Monel Kallos-mentored Volcanoes, ang 4-2 karta sa 15-team South Division.

Inanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang mga miyembro at opisyal na makiisa sa programa na mapapanood din sa Facebook live sa pamamagitan ng via Live screening.