NAKAKATAWA ang latest post ni Ai-Ai delas Alas sa Instagram (IG) dahil may sumingit na meme ni Dimples Romana bilang si Daniela Mondragon-Bartolome sa Kadenang Ginto. It’s the same meme of Dimples in a red dress karay-karay ang red luggage at kung saan-saan na nakarating at kung kani-kaninong IG na ang pinasok.

Ai Ai at 'Danigirl'

Ang picture naman ni Ai Ai ay naka-red two-piece swimsuit at ang nakakatawang caption ay, “Nakiki-swimming o itutulak akiz? #ohdani #danigirl.”

Naaliw ang mga nakakita sa litrato dahil sa meme ni Dimples at dahil sa kaseksihan ni Ai-Ai na keri pang mag-two-piece. Hot mama raw siya at mukhang pabata siya nang pabata.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Speaking of Ai-Ai, masaya at very proud ito dahil nakumpleto na ng asawa niyang si Gerald Sibayan ang practical test under the Civil Aviation Authority of the Philippines at tinanggap na nito ang kanyang private pilot license mula sa Asian Institute of Aviation.

Ayon sa post ni Ai Ai, “TO GOD BE THE GLORY. Congrats darling sa CAAP check ride and may private pilot license ka na. Next target CPL (commercial pilot license na) love you and miss you darl. #happywife #proudwife #kontingkembotnalangpilotna.”

-Nitz Miralles