SINIMULAN na ang pagpapaayos ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na hosting ng bansa sa 30th Southeast Asian Games (SEA Games) sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 10.

RAMIREZ: Handa na tayo sa SEA Games

RAMIREZ: Handa na tayo sa SEA Games

Ang Rizal Memorial basketball court at Ninoy Aquino Stadium, gayundin ang ilang sports venues maging sa Philsports Arena sa Pasig ay sasailalim sa rehabilitasyon para sa biennial meet.

Kamakailan ay nagkaloob ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng kabuuang P842 milyon sa Philippine Sports Commission (PSC) upang gamitin sa nasabing programa batay na rin sa kautusan ng Pangulong Duterte.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Batay sa world standard ng mga international federation ang pagsasaayos sa mga venues sa kabuuan ng Sports Center sa Vito Cruz, Manila.

Ito ang unang pagkakataon na isasaayos ang Ninoy Aquino Stadium at Philsports Arena, buhat nang ito ay itayo habang ang RMSC naman ay ikapitong beses na sasailalim sa pagpapaayos buhat nang ito ay itayo noong taong 1934.

Huling isinaayos ang RMSC noong taong 2012 at ito rin ang naging main hub noong 1991 SEA Games at 2005 SEA Games, kung saan huling naghost ang bansa.

Ang Ninoy Aquino Stadium na iitnayo noong taong 1989 ay ngayon pa lamang sasailalim sa pagpapasaayos upang maging venue ng taekwondo at weightlifting events para sa nalalapit na biennial meet.

Dati itong ginamit na venue para sa volleyball event noong 1991 SEA Games at table tennis naman noong 2005.

Una naman naitayo noong taong 1985 ang Philsports Arena na naging pangunahing venue ng PBA at ilang mga collegiate league.

Sa pagkakatong ito, gagamitin naman ang nasabing venue para sa pagsasagawa ng volleyball indoor event.

Samantala, tatagal hanggang Oktubre 30, 2019 ang pagpapaayos sa tatlong nasabing venues, upang masiguro na bago pa man ang takdang petsa para sa biennial meet ay pulido na ito.

-Annie Abad