Makati Taekwondo Club, sasalang sa 3 Int’l tourney

MULING aasinta ng tagumpay ang mga premyadong taekwondo jin mula sa Kasilawan Taekwondo Club (Makati Taekwondo Club) sa pagsabak sa tatlong international tournament.

KUMPIYANSA si coach Domingo sa kampanya ng Makati (Kasilawan) Taekwondo Club sa lalahukang tatlong international tournament matapos ipakilala ang mga atleta nina Makati Congresman Kid Pena (kaliwa) at sportsman Carlo Batalla sa send-off ceremony nitong Linggo sa Carlos gym sa Makati City.

KUMPIYANSA si coach Domingo sa kampanya ng Makati (Kasilawan) Taekwondo Club sa lalahukang tatlong international tournament matapos ipakilala ang mga atleta nina Makati Congresman Kid Pena (kaliwa) at sportsman Carlo Batalla sa send-off ceremony nitong Linggo sa Carlos gym sa Makati City.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Kabuuang 17 atleta – may edad na siyam hanggang 16-anyos – ang nakatakdang sumagupa sa tatlong malalaking international tournament – kabilang ang Asian Championship – sa Amman, Jordan, gayundin sa Bangkok, Thailand at Tashkent, Uzbekistan.

Sa payak na media conference na dinaluhan ni Makati 1st Dirstrict Congressman Kind Pena at mga barangay officials ng naturang distrito, ipinakilala ni taekwondo ‘Godfather’ at team manager Carlo Batalla ang mga batang atleta na magtatangkang higitan ang kanilang mga performance sa local competition.

Taglay ng Makati0based club ang tradisyon bilang isa sa pinakamatikas na taekwondo club sa bansa, tangan ang mahigit  3,000 medalya na napagwagihan sa iba’t ibang torneo.

"These boys and girls are now the best and the brightest in taekwondo. I can see a bright future for all of  them  starting in the coming three major international competitions,"  pahayag ni Batalla sa team presentation nitong Linggo sa Carlos Gym sa Barangay Olympia, Makati.

“With the right motivation and proper  training under the best coaches, these boys and girls can surely achieve their dreams of becoming future taekwondo champions," sambit ni Batalla, dating Bokal ng Camarines Sur at founder ng Batalla Charity Foundation na namamahagi ng mga libreng wheelchair sa mahihirap na kababayan.

Hinikayat naman ni Cong. Pena ang mga atleta na lumaban ng tama at paghandaan ang bawat hamon sa buhay dahil ang determinasyon ay isang sandata para sa tagumpay.

 "My advise to these young taenwondo stars is to always do their best and  go for gold," sambit ni Pena, tinaguriang ‘Giant Killer’ sa local politics matapos gapiin sa nakalipas na election si dating Vice President Jojo Binay.

"There is nothing we cannot do and we cannot achieve if we keep oour focus on the task at hand. Always word hard," aniya.

Inamin ni Cong. Pena na nag-volunteer na siya para hawakan ang Sports Committee sa Kongreso dahil sa paniwalang malaki ang magagawa ng sports para maisulong ang mga programa para sa kapayapaan, seguridad at kabuhayan.

Sasabak sa Asian Cadet and Junior TKD Championship sa Hulyo 20-24 sa Amman, Jordan sina Justin Mark Agno,  Kristiana Catalina Tiu, Aldrich Paul Vincent Merin at Raphael V. Ongkiko.

Mapapalaban naman sa 5th Heroes TKD Championships sa Bangkok sa Hulyo 26-28 sina Diana Nicole Supangan,  Andre Rafael A. Montero at Anton Joachim A. Montero ( Poomsae/Form), gayundin sina Lavaine Ashbanty Veleroso, Pearl Angeline Torrico, Zyrra Aisha Myrie Delgado, Krizha Reinz Bragais, Anne Denise M. Paraiso, Cristianne Alfonso, Victor Rodriguez,  James Supremo, Carl Khrishann Millares, Marco Julio  Tiu,.

Juan Victorio Ongsiako, Patrick Carlo Odrada, Vinn Yree R. Pineda,  Zae Gabriel Sacramend (Kyurogi/Sparring).

Lalarga naman sina Kristiana Catalina Tiu at  Aldrich Paul Vincent Tiu sa the World Cadet Taekwondo Championships sa Uzbekistan sa Aug. 4-13.

Tinaguriang Sparta, kumpiyansa si Coach Domingo sa kampanya ng Makati Club athletes.

"We are ready. We  have been training long and hard for these competitions," pahayag ni Domingo.

-Edwin Rollon