April 16, 2026

Home BALITA Politics

18 ex-Marines, pumalag sa akusasyong 'gipit lang sila' kaya napilitang lumantad!

18 ex-Marines, pumalag sa akusasyong 'gipit lang sila' kaya napilitang lumantad!
Photo courtesy: screengrab Banateros/FB

Pumalag ang ilan sa 18 ex-Marines hinggil sa mga akusasyong pera lang umano ang dahilan ng kanilang naging paglitaw kasama ng kanilang mga rebelasyon hinggil sa male-maletang perang ibinibigay ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co sa ilang dati at kasalukuyang politiko.

Sa programang “Banateros” noong Sabado, Marso 14, 2026, dalawa sa 18 ex-Marines ang umalma sa naturang mga alegasyon.

“Since noong umalis kami sa serbisyo hanggang noong nagtrabaho kami kay Boss Zaldy, mayroon naman po kaming kaunting naipon. Although natanggal kami, pero yung naipon namin, yun po yung ginaghamit namin hanggang ngayon na ikinabubuhay ng aming pamilya,” ani ex-Staff Sergeant Johnny Buduan mula sa Philippine Navy. 

Dagdag pa niya, “Hindi po magandang akusasyon sa amin 'yan na ginagawa nila sa amin.”Samantala, iginiit din ni Retired Sergeant Walter Manalansan na nagsilbi rin sa Philippine Navy, na pawang pensyonado raw ang iba sa kanila, kung kaya’t hindi raw nila maintindihan kung saan nanggagaling ang nasabing mga akusasyon.

“Nagtataka nga p ako bakit nasabi 'yon eh, kasi dito sa amin may mga retired po. Pensyonado, po kami. Buwan-buwan po may natatanggap po kami dahil nagserbisyo po kami. Optional retirement po kami, apat yata kami dito,” saad pa niya.

Politics

'Politika there, politika here, politika everywhere! Only in the Philippines!—Sen. Robin Padilla

Pagdidiin pa niya, “Kaya hindi n'yo po dapat sabihin 'yon kasi andito po kami ngayon, para sa bayan ito eh. Masyado nang talamak yung ginagawa nilang ano eh pagnanakaw sa pondo ng ating bayan. Kaya dapat matuludukan na 'to eh.”

Matatandaang naging kontrobersyal ang paglutang ng 18 ex-Marines matapos ang naging mga pahayag nila hinggil sa partisipasyon nila sa pagde-deliver umano nila ng male-maletang pera sa iba’t ibang politiko.

KAUGNAY NA BALITA: Security personnel ni Co, pinatotohanan testimonya ni Guteza; naghahatid umano ng male-maletang pera sa bahay ni PBBM

Maki-Balita: NBI, naglabas ng subpoena laban sa 18 ex-marines!