April 13, 2026

Home BALITA National

Malamig na panahong dala ng amihan, posibleng hanggang Martes na lang – PAGASA

Malamig na panahong dala ng amihan, posibleng hanggang Martes na lang – PAGASA
Photo courtesy: DOST-PAGASA (FB)

Ipinayo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa publiko na sulitin na ang nararamdamang lamig ng panahon dahil posibleng hanggang sa Martes, Marso 17, na lamang ito mararamdaman.

Ayon sa ulat ng PAGASA nitong Linggo, Marso 15, mararamdaman na sa bansa ang bahagyang pag-init ng panahon simula tanghali ng Miyerkules, Marso 18 bago ito tuluyang mag-transition sa dry season. 

Sa kasalukuyan, habang walang binabantayang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ang nalalabing pagpaparamdaman ng amihan ay inaasahang magdudulot ng maulap na kalangitan at mahihinang pag-ulan sa mga probinsya ng rehiyon ng Bicol, Batanes, Cagayan, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Northern Samar, at Eastern Samar. 

Sa Metro Manila at iba pang parte naman ng bansa, inaasahan ang mas magandang panahon at posibilidad ng escalated na pag-ulan at pag-ambon, at bahagyang maulap na kalangitan, na dala pa rin ng amihan. 

Matatandaang bumagsak sa 7.5°C ang temperatura sa La Trinidad, Benguet, noong Sabado, Marso 14, na pinakamababang temperatura sa panahon ng amihan ngayong 2025 - 2026.

National

PNPA hazing victims, binuhusan ng asido sa likod hanggang sa ari—SILG Remulla

MAKI-BALITA: Pahabol sa ‘cuddle weather?’ Temperatura sa Benguet, bumagsak sa 7.5°C!