Muling kinilala ang ABS-CBN bilang isa sa mga natatanging kumpanya sa bansa, sa Philippine Best Employer Brand Awards 2019, dahil sa mahusay nitong pangangalaga sa kapakanan ng mga empleyado nito.

DOS

Sa ikalawang sunod na taon, pinarangalan ng Employer Branding Institute ang Kapamilya network dahil sa maganda nitong pasuweldo, at pagkakaloob ng mga benepisyo at mga oportunidad sa mga empleyado nito, kaya naman marami ang pinipiling magtrabaho sa ABS-CBN.

Tinanggap ni Paulo Tatad, head ng recruitment marketing at sourcing ng ABS-CBN, ang parangal sa seremonya ng Employer Brand Institute sa Dusit Thani Manila sa Makati City, kamakailan.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Dumagdag ang nasabing award sa iba pang mga pagkilalang natanggap ng ABS-CBN sa nakalipas na mga taon bilang mahusay na employer.

Noong 2018, napabilang din ang Kapamilya network sa “Best Companies to Work For in Asia” ng HR Asia Media.

Taong 2011 naman nang pinarangalan ang ABS-CBN sa Asia’s Best Employer Brand Awards, na ginanap sa Singapore.

Ilang beses ding napasama ang Kapamilya network sa listahan ng “Top Companies That Employees Aspire to Work For” ng Jobstreet.com.

-Mercy Lejarde