Faulty wiring ang dahilan sa pagliliyab sa loob ng isang bahay, na kalaunan ay lumamon sa 25 pang bahay, habang isang fire volunteer ang nasugatan, sa Barangay Balingasa, Quezon City, ngayong Sabado ng umaga.
Base sa report ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 8:30 ng umaga nang sumiklab ang sunog mula sa isang kuwarto sa ikalawang palapag ng inuupahang bahay ng pamilya Eguia sa A. Bonifacio Street.
Mula sa naturang bahay, mabilis na kumalat ang apoy at nasunog nasa 25 iba pa, makaraang umabot sa ikatlong alarma.
Naapula ang sunog makalipas ang isang oras at sa pagresponde ng mga pamatay sunog na umabot sa 3rd alarm ay naapula ito makalipas ang isang oras. Isinugod naman sa ospital, makaraang magtamo ng second degree burns si Jeremiah Villar, 31, fire volunteer, ng Caloocan City.
Nabatid kay Fire Chief Insp. Sherwin Pinafiel, faulty wiring sa kisame ng kuwarto ang dahilan ng sunog, na nakaapekto sa 60 pamilya.
Tinaya naman ng arson probers sa P100,000 ang kabuuan ng mga nasunog na ari-arian.
Jun Fabon