Tolentino, umayaw sa ‘term sharing’ sa POC presidency

HINDI makabubuti sa liderato ng Philippine Olympic Committee (POC) ang planong ‘term sharing’ bago ang regular election sa Olympic year sa susunod na taon.

TOLENTINO: 45 lang ang botante sa POC.

TOLENTINO: 45 lang ang botante sa POC.

Ayon kay Philcycling president Abraham ‘Bambol’ Tolentino, mauudlot lang ang mga programa para sa mga national sports associations (NSA) at mga atleta sa pangkalahatan kung hindi maisasayos ang POC sa tama bago regular election.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Puwede ako sa unity ticket, pero hindi sa ‘term sharing’. Sa Kongreso lang ‘yan. May 45 voting member lang ang POC, maigeng maisaayos ito through unity ticket,” pahayag ni Tolentino, kinatawang ng Tagaytay City sa House of Representatives, kung saan naresolba ang gusot sa ‘speakership’ sa napagkasunduan ‘term sharing’ ng mga kandidato sa naturang posisyon.

“Apat na buwan na lang SEA Games na. Next year Olympics ang paghahandaan natin. We need to resolve the leadership crisis once and for all,” ayon kay Tolentino na tahasang nagpahayag ng kanyang desisyon para lumaban sa POC presidency.

Kamakailan, ipinag-utos ng International Olympic Committee (IOC) na idaan sa proseso ang gusot sa POC sa pamamagitan ng halalan na naitakda sa Hulyo 28.

Nagbitiw sa puwesto bilang chairman ng POC si Tolentino bilang patunay sa kanyang hangarin na maresolba ang pagkakahati sa Olympic body matapos ang pagbibitiw ni POC president Ricky Vargas dulot ng intriga na ibinabato ng mga miyembro ng POC Executive Board na pawang dikit kay dating POC chief Jose ‘Joey’ Romasanta.

Umabot sa kaalaman ng IOC ang kaganapan matapos matanggap ang magkakaibang sulat mula sa kampo ni Romasanta at Tolentino – pawang nagbitiw sa kanilang puwesto kasama sina Clint Arenas ng archery, Cynthia Carrion ng gymnastics at Joanne Go ng dragon boat.

“Kung hindi na guguluhin ang voting members, tiyak na wala tayong magiging problema,” sambit ni Tolentino.

Matunog din na tatakbo sa POC presidency si athletics chief Philip Ella Juico

-EDWIN ROLLON