Pormal nang ipinakita ng Philippine Sports Commission (PSC) ang opisyal na kasuotan ng koponan ng bansa para sa nalalapit na hosting ng 2019 Southeast Asian Games (SEAG) sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 10.

seag outfit

Ang kasuotan ay siyang magiging umiporma ng buopng delegasyon ng bansa pagsapit ng parade sa opening ceremonies na gaganapin sa Philippine Arena sa Bulacan.

Ang pamosong Barong Tagalog ang siyang pangunahing kasuotan ng mga atleta at mga sports officials para sa opening ceremonies.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Teternuhan ito ng itim na pantaloon na siya ring magiging kasuotan ng mga kababaihan na paparada para sa koponan na ginawa ni Francis Libiran.

“The uniforms are composed of barongs embroidered with the rays of the sun, similar to the Philippine flag. The collars also have the blue and red colors of the national flag.”

-Annie Abad