PINANGALANAN bilang mga Deputy Chef de Mission ang mga beteranong atleta na sina Ada Milby ng rugby at Stephen Fernandez ng taekwondo para makatuwan ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at Chef de Mission Willaim ‘Butch’ Ramirez.

Makakasama nila para sa paghahanda sa hosting ng 30th Sea Game sina PSC Commissioners Celia Kiram, Arnold Agustin, Charles Maxey at Ramon Fernandez.

Sila ang magmamando sa tatlong main clusters sa SEAG na gaganapin sa Subic, Clark, Manila kasama ng iba pang mga venues na Batangas, Cavite, La Union at Bulacan.

“Stephen will be the Senior DCDM,” pahayag ni Ramirez kung saan dati nang lumutang ang mga pangalan ng dalawang bilang DCDM bago pa man magbitiw sa kanyang puwesto si dating POC president Ricky Vargas.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Una nang nailuklok sa puwesto bilang DCDM ang mga commissioners na sina Fernandez, Maxey at Agustin at Kiram noong Mayo.

“The PSC Commissioners were a logical choice since they have already started coordinating with NSAs. They are also part of the board which will approve requests so it is good for them to know the situation on the ground for deeper understanding of our athletes’ needs,” ayon pa kay Ramirez.

-Annie Abad