A true professional, kaagad na sumabak sa training ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes para sa kanyang new action-drama serye, ang Philippine adaptation ng Koreanovelang Descendants of the Sun (DOTS).

Dingdong

Kababalik lang kasi ni Dingdong from Toronto and Vancouver in Canada para sa Pinoy Fiesta, roon na siya ang invited guest, para sa GMA Pinoy TV, in celebration of the Philippine Independence Day.

Kaya kahit may jet lag pa, nagpunta na si Dingdong—kasama ang iba pang cast ng DOTS na sina Jasmine Curtis Smith, Rocco Nacino at Paul Salas—sa Tanza, Cavite at sinamahan na sila ng mga officers and enlisted personnels of ARESCOM, para sa isang traditional boodle fight for lunch, isang paraan ng pag-welcome sa mga bisita nila.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Pagkatapos nga ng boodle fight, isinagawa na ang military orientation and training sa Camp Riego De Dios sa Tanza.

Ipinost ni Dingdong sa kanyang Instagram Story ang target shooting nina Paul at Rocco, at ang pagbaba ni Jasmine mula sa napakataas na structure, gamit ang mahabang rope. Pawnag sundalo ang role nila sa nasabing serye.

Ayon sa production insider, gagawin muna nila ang mga training para kapag nagsimula na silang mag-shooting ay dire-diretso na ang trabaho nila.

Hindi pa rin ipinaaalam ng production kung sino ang magiging katambal ni Dingdong sa DOTS.

Definitely ay hindi pupuwede ang wife niyang si Marian Rivera, tulad ng request ng kanilang fans. Mas mahalaga kasi para kay Marian ang pag-aalaga sa dalawang anak nila ni Dingdong na sina Zia at Ziggy.

At since may soap na nga si Dingdong na gagawin, hindi puwedeng sabay na wala sa bahay ang mag-asawa para sa kanilang mga anak.

Hintayin na lang natin kung sino talaga ang makakatambal ni Dingdong sa Descendants of the Sun.

-NORA V. CALDERON