NOONG ma-spot-ang magkasama sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa Palawan ay muling nabuhayan ng pag-asa ang fans ng dalawa na baka sa susunod na mga buwan ay ianunsiyong mayroon silang gagawing project.

Bea at John Lloyd

Balita-balita ngang may gagawin ang dalawa pagkatapos i-post ng aktor s a kanyang Facebook page ang pagkikita nila sa Palawan at mukhang may planong magsama muli sa isang proyekto, bagamat wala pang diretsahang pag-amin o pagkontra tungkol dito.

Kapag n a t a tanong ng press people si Bea regarding sa possibilities of reuniting with John Lloyd in a future project ay laging “secret” ang sagot ng aktres.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Sakaling matuloy ang Bea-John Lloyd project, ito’y magsisilbing comeback ng aktor sa showbiz pagkatapos ng kanyang indefinite leave simula pa noong 2017, nang magdesisyong maging pribado muna ang buhay sa piling ng kinakasamang si Ellen Adarna. Sa Cebu nakabase ang dalawa at hanggang ngayon ay nagsasama.

Sumikat at nagkaroon ng followers ang tambalang John Lloyd-Bea sa pamamagitan ng pelikulang One More Chance, bilang sina Popoy at Basha, taong 2017.

-ADOR V. SALUTA