IPINAKITA ng celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang pagmamahal at malasakit para sa mga hayop nang mag-donate sila ng mga dog cages sa Manila City Pound, na nasa Vitas, Tondo.

Kathryn at Daniel

Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), ang 10 animal cages ay ipinagkaloob ng real-and-reel love team kahapon, ilang araw makaraang bisitahin ni Manila Mayor Isko Moreno ang city pound nitong Biyernes.

Nabatid na dapat sana ay isasailalim na sa euthanasia o mercy killing ang mga hayop sa lugar noong nakaraang linggo, ngunit nagpasya ang alkalde na ipagpaliban ito, sa pag-asang may mabubuting puso na mag-aampon at mag-aalaga sa mga hayop na nasa city pound.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Laking pasalamat naman ng alkalde kina Kathryn at Daniel sa mga animal cages na donasyon ng mga ito, na malaki, aniya, ang maitutulong sa mga hayop.

-MARY ANN SANTIAGO