MULING matutunghayan ang maaksiyong hidwaan sa Red Bull Reign – pinakapamosong open 3-on-3 street basketball tournament sa mundo – sa paglarga ng Philippine edition sa ikatlong sunod na taon nitong Sabado sa High Street Amphitheater sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Tampok ang mga koponan mual sa Luzon, Visayas, at Mindanao sa torneo na ang nakataya ay maging kinatawan ng bansa Global Finals sa Toronto, Canada.

Inilunsad ang unang Red Bull Reign noong 2017 at naging bukambibig sa basketball community tanpok ang mga labanan ng amateur at professional players.

WORLD class action ang hatid ng Red Bull Reign
WORLD class action ang hatid ng Red Bull Reign

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tunay na sukatan sa Red Bull Reign ang katatagan at stamina!

Batay sa FIBA (International Basketball Federation) 3-on-3 ang ginagamit na rules sa torneo.

Kung saan ang koponan na unang makaiskor ng 21 puntos sa loob ng 10 minuto ang tatanghaling panalo.

Ang 2019 global finals ay nakatakda sa Agosto sa Toronto, Canada, kabilang anbg mga kopona mula sa USA, Belgium, Canada, India, Lithuania, Montenegro, Netherlands, Philippines, Russian Federation, Turkey at United Kingdom.