Protektado na ng Marikina City ang LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queen, intersex, asexual) community, dahil may ordinansa na ang siyudad na tumitiyak sa pantay na karapatan at oportunidad para sa nasabing sektor.

LAHAT, PANTAY-PANTAY Ginunita ng mga miyembro ng LGBT community ang ika-50 anibersaryo ng Stonewall riots sa Maynila, nitong Biyernes, upang igiit ang pantay na karapatan para sa lahat. Ang Stonewall riots ay serye ng protesta ng gay community laban sa police raid sa New York City noong 1969, at inspirasyon sa pagkilala sa Hunyo bilang LGBT Pride Month. (EPA-EFE)

Kasabay ng pagdiriwang ng taunang Metro Manila Pride March and Festival nitong Sabado ng hapon, nilagdaan ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro ang City Ordinance No. 065, o ang “Anti-Discrimination Ordinance of Marikina City”.

Sa ilalim ng Section 6 ng ordinansa, itatatag ang Anti-Discrimination Council, na bubuuin ng alkalde at walong iba pang matatataas na opisyal sa lungsod.

Metro

‘Traffic Advisory’ sa Translacion 2026, inilatag na para sa mga deboto at motorista

May katapat din na parusang pagkabilanggo nang hindi bababa sa 60 araw at hindi lalampas sa isang taon, at multang P1,000-P5,000 para sa sinumang lalabag sa ordinansa.

Ayon kay Teodoro, dismayado siya sa pagkakaantala ng pagpapatibay sa Sexual Orientation or Gender Identity or Expression (SOGIE) Bill, kaya nagpasya na ang Marikina na magpatupad ng sarili nitong Anti-Discrimination Ordinance.

Samantala, kahit inulan ay tinatayang nasa 50,000 ang nakibahagi sa Pride March, na bandang 11:00 ng gabi na nagtapos sa isang fireworks display.

-Mary Ann Santiago