ATHENS, Greece — May pagkakataon ang Team Philippines, ranked 31st sa mundo, na makaharap si NBA MVP Giannis Antetokounpo, sa World Cup sa China.

Ipinahayag ni Antetokounpo ang kanyang kahandaan para maglaro sa Team Greece sa prestihiyosong torneo tampok ang pinakamahuhusay na koponan sa buong mundo.

Kasama ang Pinoy sa Group D kasama ang Serbia (4), Italy (13) at Angola (39).

Giannis Antetokounmpo (AP Photo/Petros Giannakouris)
Giannis Antetokounmpo (AP Photo/Petros Giannakouris)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I hasn't talked to the coach about which position I'll be playing ... the important thing is to play."

"Whether I play the 1 (point guard) or the 5 (center), I don't care," sabi ni Antetokounmpo said. "I'm a basketball player. I want to help the team any way I can."

Gaganapin ang World Cup sa Aug. 31-Sept. 15 at isa ang Greece at Gilas Pilipinas sa 32 qualifiers.

Hindi naglaro si Antetokounmpo sa Greece noong 2017 Eurobasket. Ang kanyang pagkawala ay nagkaroon ng pagdududa sa tunay na dahilan na naging daan sa pagkusa sa Bucks na pineke nito ang injury ng star player.

Nasa Athens ngayon ang bagong NBA MVP para ipromote ang Nike Air Zoom Freak 1 signature shoe. Dadalo rin siya sa 3x3 tournament.

"Greek Freak. That fits me,” sambit ni Antetekounpo.