Kinumpirma ng Department of Trade and Industry na magtataas ng presyo ang ilang brand ng kape, gatas, at patis, na magiging epektibo sa kalagitnaan ng Hulyo.

PRICES

Ito ang inihayag ngayong Biyernes ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, matapos na aprubahan ng kagawaran ang taas-presyo na inihirit ng mga manufacturers sa bansa.

Ayon sa DTI, nasa 60 sentimos hanggang P2 ang dagdag-presyo sa kada lata ng Alaska, Alpine, Carnation, Cow Bell, at Liberty milk.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Asahan naman ang pagtaas ng P1 sa bawat pakete ng Kopiko Black 3-in-1 coffee.

Magkakaroon din ng 50-85 sentimos na taas-presyo sa kada pakete ng Lorins Patis.

Kaagad namang nilinaw ni Castelo na wala pang dapat na paggalaw sa presyo ng nabanggit na mga produkto ngayong Hunyo, dahil sakop pa ito ng itinakdang suggested retail price (SRP) noong Mayo 4.

Aniya, pinayagan ng DTI ang price hike, pero hindi pa ito maaaring ipatupad dahil kailangang mailathala pa sa mga pahayagan ang mga bagong presyo.

Samantala, para matulungan ang consumers, target ng DTI na magpatupad ng adjustment o pagpapalit ng SRP ng prime at basic commodities kada tatlong buwan.

Inihirit naman ni Laban Konsyumer President Vic Dimagiba na dapat idaan sa pampublikong konsultasyon ang mga susunod na paggalaw sa presyo ng mga bilihin.

-Bella Gamotea