TUTULAK ang 2nd Caine Knights Tatlohan Chess Team Tournament 2000 limit rating sa Hulyo 7 na gaganapin sa third floor League One Southgate Mall (dating Alphaland Southgate Mall), malapit sa MRT Magallanes Station, Edsa, Makati City.
Kabilang sa mga nauna ng nagpatala ang mga koponan na King Niko, Quantum Zero A,B at C, Team JLG 1 at 2 at Super Saiyan.
Tumataginting na P27,000 at eleganteng tropeo ang naghihintay sa magkakampeon, ayon kay tournament organizer Genghis Katipunan Imperial sa one-day rapid event na sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines.
Masusubi naman ng second placer ang P15,000, habang nakalaan sa third hanggang seventh placers ang tig P10,000, P6,000, P4,000, P3,000 at P2,500, ayon sa pagkakasunod.
May Special prizes din para sa top team performer sa top 1920 and below, top College team, top High school team, top Lady team, top government team at top private na tig P1,000 habang ang individual gold medal winner sa board one, two at three ay tig P500.
Bawat koponan ay binubuo ng tatlong manlalaro sa event na suportado nina Mary Grace Linda-Celiz at Superiorvet Inc. Puede maglaro ang Master at Woman Titled Player sa nasabing team tournament.
Ang advance registration fee ay P2,300 habang on-site registration fee ay P2,500. Mag call o text kay Tournament Organizer Genghis Katipunan Imperial sa mobile number: 0926-251-4205 para sa dagdag detalye.