Dinaig ni Bienvenido Ligas via 10-round unanimous decision si JC Francisco nitong Hunyo 15 upang matamo ang Philippine Boxing Federation super flyweight title sa sagupaan sa Elorde Southbox, Paranaque City.

Nagwagi ang 21-anyos na si Ligas si Francisco sa malalakas na kombinasyon at napabagsak ang karibal sa 5th round upang kumbinsidong magwagi sa tatlong hurado.

Napaganda ni Ligas ang kanyang kartada sa 10-1-1 win-loss-draw na may 7 pagwawagi sa knockouts at umaasang mapapalaban sa Philippine title bout sa kanyang susunod na laban.

Sa undercard ng sagupaan, nagwagi si Floryvic Montero via 1st round TKO laban kay Joan Ambalong upang matamo ang bakanteng Philippine Female light flyweight title.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

-Gilbert Espeña