HINDI pa man naseselyuhan ang multi-million contract, nalagay na sa legal battle ang liyamado sa No. 1 overall pick na si Zion Williamson.

Williamson

Nagsampa ng US $100 million na demanda ang marketing company na unang simahanan ni Williamson bunsod umano sa hindi pagtalima s akontrata,ayon sa ulat ng The Associated Press.

Napapagitnaan si Williamson sa iringan ng Creative Artists Agency (CAA) at Prime Sports Marketing LLC. Bago nagpahayag ng kahandaan sa NBA Draft, lumagda si Williamson ng kontrata sa marketing deal sa Prime Sports. Batay sa kontrata,limang taon ang pamamalagi ni Williamson sa kumpanyan. Ngunit, mahigit isang buwan lamang ang nakalipas, lumagda ito ng kontrata sa karibal na CAA.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Binalaan ng Prime Sports na kakasuhan si Williamson, ngunit binawian sila ng 18-anyos na Williamson nang magsampa ng kaso laban sa Prime Sports, bunsod umano ng ilegal ang kontrata sa batas ng North Carolina.

Bilgang ganti, nagsampa ng kaso ang Prime Sports laban kay Williamson at sa CAA sa tumataginting na US$100 million. Ayon sa Prime Sports, nilabag ni Williamson ang kontrata.

Inaasahan na pipiliin si Williamson, star ng Duke University, bilang No. 1 overall ng New Orleans Pelicans sa gaganaping NBA Draft sa Huwebes (Biyernes sa Manila).