PANGARAP ni Camille Nolasco na maging miyembro ng Philippine Team sa international competition. Sa edad na 14, higit pa sa inaasam ang nakamit ng pambato ng Miriam College.

MASAYA sa photo op si Camille Nolasco kay Jr. NBA AVP for Basketball Operations Carlos Barroca. RHIA NOLASCO)

MASAYA sa photo op si Camille Nolasco kay Jr. NBA AVP for Basketball Operations Carlos Barroca. RHIA NOLASCO)

Kabilang si Nolasco sa 10 batang babae mula sa 34 kalahok na napili para katawanin ang Asia Pacific Team sa Jr. NBA Global Championship na nakatakda sa Agosto 6-11 ESPN Wide World of Sports Complex at Walt Disney World near Orlando, Florida.

“Dream ko po talaga. Gusto ko talaga ma-represent ‘yung Philippines. Thanks to Jr. NBA, nabigyan nila ng opportunities ang mga young athletes na tulad ko,” pahayag ni Nolasco sa panayam ng Manila Bulletin.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kabilang si Camille sa 10 Pinoy players – 10 lalaki at 10 babae – na napili sa isinagawang Jr. NBA Philippines basketball camp at kinatawan ang bansa sa Jr. NBA Global Championship Asia Pacific Selection Camp nitong Hunyo 15-16 sa Universitas Pelita Harapan (UPH) sa Jakarta, Indonesia. Sa taas na 5-foot-3, ang bilis at husay sa dribbling ang nakatawag ng pansin sa kanya ng international coaches.

“Natuwa ata ‘yung mga international coaches kay Camille. Medyo nakakataranta talaga kasi kung titignan mo, mallit siya compared sa iba. Pero sabi ko nga sa kanya na kahit 10-times bigger sa iyo ‘yan, kaya mo ang mga ‘yan,” sambit ni Myk Nolasco, ama ni Camille.

“Siguro pa sa mga babae, siya kasi yung bihira na nagse-set ng plays. Nakitaan din siya ng potential sa point guard position. Favorite nga po siya ng mga international coaches. Yung pinaka head coach ng lahat po, si coach Carlos (Barroca), niyakap siya and sinabi na ‘You are my favorite point guard,” pahayag ng nakatatandang Nolasco.

Kabuuang 68 players mula sa 10 bansa -- Australia, Indonesia, Japan, Malaysia, New Zealand, Philippines, Singapore, South Korea, Thailand, at Vietnam – ang sumabak sa Aspac Camp kung saan nakatuon ang programa hindi lamang sa technical at tactical skills development,bagkus sa character ng players.

“To all aspiring athletes out there, don’t let your fears stop you from reaching your dreams,” mensahe ni Camille

-Brian Yalung