Dinakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Pakistani na pinaghihinalaang suicide bomber at miyembro ng teroristang grupong Dawlah Islamiya, sa isang operasyon sa Zamboanga City, nitong Martes.

Agad na isinailalim sa deportation proceedings si Waqar Ahmad, 36, dahil sa pagiging undesirable alien nito kaugnay ng pagkakasangkot umano sa grupo ng mga terorista at ilegal na pagtatrabaho sa bansa.

Ayon sa BI, bago nila dinampot si Ahmad ay minanmanan muna nila ito at nadiskubreng nagtatrabaho bilang storekeeper at collector sa isang appliance store, na pag-aari ng tiyuhin nito sa naturang lungsod.

Dagdag ng BI, konektado rin si Ahmad sa radical Islamic group na Dawlah Islamiyah, na may kaugnayan sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) at Maute group.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Sa report, natuklasang dumating sa bansa si Ahmad nitong Abril 19.

-Ariel Fernandez