Kukumpunihin ng Manila Water Company, Inc. ang depektibo nitong mainline butterfly valve sa Shaw Boulevard panulukan ng EDSA, sa Mandaluyong City.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa ganap na 11:00 ng gabi sa Biyernes, Hunyo 21, sisimulan ng Manila Water ang pagsasaayos sa sirang valve, at magtatagal ito hanggang sa Hunyo 23 ng 4:00 ng madaling araw, maging sa Hunyo 28 (Biyernes) hanggang Hunyo 30 (Linggo) sa parehong oras.
Ayon pa sa MMDA, layunin ng emergency repair na resolbahin ang water supply availability.
-Bella Gamotea