NAKOPO ni National Master Cesar Caturla ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa 20th Asean + Age Group Chess Championships nitong Sabado sa Golden Mandalay Hotel at Hotel Hazel sa Mandalay City, Myanmar.

Chesss (Photo by Luiz Hanfilaque on Unsplash)

Walang talo ang dating miyembro ng Philippine Chess Team sa 22nd Chess Olympiad na ginanap sa Haifa, Israel noong 1976 matapos ang walong laro, sapat para kunin ang top honors sa Senior 65 years old and above ng Standard Nine Round Swiss Tournament.

Kabilang sa kanyang mga biniktima sina Thaung Tun A sa first round, Tin Aung sa second round, Fide Master Saw Kyaw Nyein sa third round, Toe Lwin sa fourth round, Tin Mg Aye sa fifth round, Thaung Aye sa sixth round, Zaw Win sa seventh round na pawang miyembro ng Team Myanmar at Srivatanakul Pricha ng Thailand sa eight round.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Bagamat, may nalalabi pang isang laro, ang Surigao del Sur native na si Caturla ay virtually champion na, tangan ang dalawang puntos na bentahe sa humahabol na si solo second place Toe Lwin ng Myanmar na may 6 points. Ang kanyang last round opponent ay si Than Win ng Myanmar.

Inaasahan ding mag-uuwi ng medals sa Team Philippines sina National Master Alexander Milagrosa (6.5 points) at National Master Edmundo Gatus (6 points) na nangunguna din sa Senior 50 years old and above.

Nakatutok din sa medals sina Herson Bangay (U8), Mark Jay Bacojo (U14), Clyde Harris saraos (U16), Eric Labog Jr. (U18), Christian Mark Daluz (U18), Istraelito Rilloroza (U18), IM John Marvin Miciano (U20), Melito Oscan Jr. (U20), Zhaoyu Capilitan (G8), Mecel Angela Gadut (G10), Kaye Lalaine Regidor (G10), Daren Dela Cruz (G12), Jersey Marticio (G12), Mhage Gerriahlou Sebastian (G14), Ruth Joy Vinuya (G16), Mary Tan (G16), newly-installed National Junior Champion Woman National Master Vic Glysen Derotas (G18) at Woman Fide Master Allaney Jia Doroy (G20).