Nagiging safe na ang Metro Manila sa nakalipas na tatlong taon, batay sa huling crime data assessment.

NCRPO Director Maj. Gen. Guillermo Eleazar

NCRPO Director Maj. Gen. Guillermo Eleazar

Ito ang inihayag ni Maj. Gen. Guillermo Eleazar, director ng National Capital Refion Police Office (NCRPO), sinabing bumaba nang 58 porsiyento ang index crime sa Metro Manila sa nakalipas na 35 buwan sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ikinumpara ang datos sa index crime rate sa huling 35 buwan ng administrasyong Aquino.

Internasyonal

10k free condoms, ubos agad sa Winter Olympics!

Ang index crimes ay nahahati sa dalawa: krimen laban sa tao, tulad ng pagpatay, pananakit at panggagahasa; at krimen laban sa ari-arian, tulad ng pagnanakaw at snatching.

“A lot of things have already happened in the past 35 months, almost three years. The index crime recorded in this period is 58 percent lower compared to the last 35 months of the past administration,” sabi ni Eleazar.

Sinabi ni Eleazar na ang malaking kabawasan sa krimen ay dahil sa agresibong pag-aksiyon ng pulisya, tulad ng kampanya kontra droga, at maayos na deployment ng mga pulis sa mga lugar na maraming naitatalang krimen.

“This is the vision of President Duterte and this is the reason why the attack on illegal drugs operations was launched,” sabi ni Eleazar.

“So we will continue this because what we are seeing is a successful, positive output of our anti-crime efforts,” dagdag niya.

Sa national level, nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 10 porsiyentong kabawasan sa dami ng krimen nitong Mayo, kumpara sa Mayo 2018.

Base sa records ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), mula sa 42,527 krimeng naitala noong Mayo 2018, nabawasan ang bilang sa 38,284 noong nakalipas na buwan.

Ayon pa rin sa mga detalye sa datos ng DIDM, bumaba nang 22.6% ang naitalang index crime, o mula sa 7,421 noong Mayo ng nakalipas na taon, ay nasa 5,744 na lang ang index crime noong nakalipas na buwan.

Bumaba naman ang non-index crime sa 7.31%, o mula sa 35,106 noong Mayo 2018, nasa 32,540 ang naitala noong nakaraang buwan.

Kabilang sa mga non-index crimes ang mga aksidente at paglabag sa mga espesyal na batas.

-Aaron B. Recuenco