Itutuloy bukas ang special meeting na ipinatawag ni Pangulong Duterte sa mga miyembro Gabinete kaugnay ng imbestigasyon sa pagkakabangga ng Chinese vessel sa bangka ng 22 mangingisdang Pinoy, na makaraang lumubog ang sinasakyan ay inabandona sa laot sa Reed Bank.

WPS

Ito ang kinumpirma ngayong Linggo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles nang magtakda ang Pangulo, sa kahilingan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, ng special meeting kaugnay ng pag-abandona sa 22 mangingisdang Pinoy sa laot nang mabangga ng Chinese vessel ang kanilang sasakyang-pandagat na nakadaong sa West Philippine Sea.

Aniya, busy ang schedule ng Pangulo bukas kaya pawang miyembro na lamang ng Gabinete ang dadalo sa pulong.

Internasyonal

10k free condoms, ubos agad sa Winter Olympics!

Sa nasabing pulong, inaasahang maglalabas ng konkretong tugon ang pamahalaan kaugnay ng insidente.

Iminungkahi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pamahalaan na idulog pa rin nito sa United Nations ang patuloy territorial dispute nito laban sa China kaugnay ng usapin sa WPS.

Binanggit ng senador, hindi epektibo ang bilateral talks upang matigil ang bullying tactics ng Beijing sa Pilipinas.

“We should continue exerting international pressure. Ibig sabihin, dalhin natin ito sa UN assembly, ihayag natin. Ito’ hindi lang isang banggaan. Sa akin, ito’y nagpapakita ng mindset ng China na apihin ang Pilipinas dahil sa ating claims sa West Philippine Sea,” aniya.

Isa rin aniyang kasinungalingan ang pahayag ng China na kaya tumakas ang kanilang sasakyang-pandagat na nakabangga sa isang Pinoy vessel dahil sa takot na makuyog ng may 7 hanggang 8 bangkang Pinoy sa lugar.

"Kasinungalingan. Naghahanap lang sila ng palusot,"  ayon kay Senate Minority Leader Frnaklin Drilon.

Iginiit ng  Chinese Embassy na ang  Chinese fishing boat Yuemaobinyu 42212  ay siyang nakabangga sa sasakyang pandagat pero natakot ng makita ang pito hanggang walong sasakyang pandagat na Pinoy.

"Sinasabi nila na natakot sila, bubugbugin sila ng walong fishing boats na nandoon. Eh kung totoo na nandoon yung bangka ng Pinoy, bakit mahigit isang oras bago dumating yung Vietnamese vessel? Kung nandoon yung mga Pinoy, e di agad-agad ni-rescue sila," sabi pa ni Drilon.

-Argyll Cyrus B. Geducos, Beth D. Camia, Hannah L. Torregoza, at Leonel M. Abasola