Nananatili pa ring comatose at nasa kritikal na kalagayan si Eddie Garcia sa ICU ng Makati Medical Center, at nitong Biyernes ng gabi, pumayag ang pamilya ng aktor na isailalim siya sa “do not resuscitate” o DNR status.

Eddie Garcia

Eddie Garcia

As of press time, umaasa pa rin ang mga kamag-anak ng beteranong actor-director na malalampasan niya ang trahedyang sinapit makaraang maaksidente sa taping ng “Rosang Agimat” noong nakaraang Sabado.

Base sa medical update nitong Biyernes ng gabi, nasa DNR status ang 90-anyos na aktor.

Vhong, Darren in-expose paghuhubo ni Vice Ganda!

Ayon sa mga health websites, ang DNR ay “medical order” ng doktor na sakaling tumigil sa paghinga ang pasyente ay hindi na magpe-perform ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) dito.

Sinang-ayunan na rin ng pamilya ng veteran actor ang nasabing proseso, taliwas sa unang napaulat na nagbigay ng consent ang pamilya ni Eddie para tanggalin ang kanyang life support.

Ayon sa medical bulletin na inilabas ni Dr. Tony Rebosa nitong gabi ng Biyernes: “Pls be informed that the family of Mr. Eddie Garcia has not authorized nor has it consented to withdrawal of life support. They have however agreed to place him on DNR status. Thank you.”

Matatandaang nagte-taping ng isang eksena sa upcoming teleserye niya sa GMA si Eddie nitong Hunyo 8, sa Tondo, Manila, nang napatid siya sa cable wire sa set at bumagsak, na nagresulta sa severe cervical fracture sa kanyang leeg.

Patuloy naman ang pananalangin ng mga kamag-anak, kaibigan, kapwa celebrities, at maging ng publiko para sa pagbuti ng lagay at agarang paggaling ni Eddie.

Ador V. Saluta