TAPIK sa balikat sa paghahanda ng Philippine Olympic Committee sa hosting ng 30th Southeast Asian Games.

AFPDIGONG’S FIST! Simbolo ng pagkakaisa ang iminuwestra nina (mula sa kaliwa) Eric Fermin, Max’s COO, Philippine Olympic Committee (POC) secretary-general Patrick Gregorio at Robert Trota,Max’s president and CEO, matapos selyuhan ang partnership para sa 30th Southeast Asian Games.

AFPDIGONG’S FIST! Simbolo ng pagkakaisa ang iminuwestra nina (mula sa kaliwa) Eric Fermin, Max’s COO, Philippine Olympic Committee (POC) secretary-general Patrick Gregorio at Robert Trota,Max’s president and CEO, matapos selyuhan ang partnership para sa 30th Southeast Asian Games.

Ipinahayag kahapon ni POC secretary-general Patrick Gregorio ang pagapruba ng Olympic Council of Asia (OCA) ng P1.5 million para magamit sa pagbili ng opisyal na sasakyan ng POC.

Bilang ayuda, ipinahayag naman ng Toyota Motor Philippines na sasagutin ang kakulangan para sa 29-seater Toyota Coaster na may kabuuang halaga na P3.453M

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“This is part of our marketing efforts per instruction of POC president Ricky Vargas. Our marching orders were to source P100M in sponsorships and we are already at 90% of that goal after only a little over a year. We are confident that we will hit the target by end 2019”, pahayag ni Gregorio.

Mula nang mailuklok si Vargas bilang POC president sa ipinatawag na election ng local court, kabuuang P76M ang pondong nakuha ng POC mula sa ayuda ng San Miguel Corporation (P50M), MVP Sports Foundation (P20M) at Philippine Basketball Association (P6M).

Nagpahayag din ng suporta ang Summit Water at Milo bilang sponsors sa biennila meet sa halagang P1M at 1.225M, ayon sa pagkakasunod.

“We have a lot of respect for Mr. Vargas who is also our chairman in the PBA. Although our teams are fierce rivals on the court, he has always conducted himself with fairness, competence and professionalism,” sambit ni Alfrancis Chua, San Miguel Corporation sports director.

“This is why San Miguel Corporation, through our president Mr. Ramon S. Ang, did not think twice in showing full support to Pres. Ricky’s programs in the POC”, aniya.

Nagbigay din ang Max’s Group Inc (MGI) ng kabuuang P10.5M para sa mga atleta na sumasabak sa qualifying meet para sa 2020 Tokyo Olympics.

“What better way to support Filipino athletes than to help them raise the country’s flag in international competitions? We share the vision of the POC and we are confident that under Pres. Vargas’ leadership, the athletes will benefit directl,” pahayag ni MGI president and CEO Robert Trota.

Iginiit ni Gregorio na nakatataba ng puso ang pagiging mapagbigay at mapagkalinga ng pribadong sektor.

“All these will go to the athletes, who are the centrepiece of Mr. Vargas’ programs. As a matter of fact, a total of P14.9M from the sponsorships, was given out as incentives to medalists in the last Asian Games and Youth Olympics. And we can do a lot more if only we could isolate sports from politics. I hope our fellow sports leaders would realize this”, sambit ni Gregorio.

Kamakailan, binigyan ng tig-P100K ang bawat NSAs na may atletang sasabak sa SEA Games