Head’s up sa mga motorista!

LTO

Maaari na ngayong mag-renew ng driver’s license o mag-apply ng student permit kahit Sabado, sa lahat ng mga renewal office sa mga shopping mall sa bansa simula sa Hunyo 22.

Ito ay matapos na ilabas ng Land Transportation Office (LTO) ang Memorandum Circular 0219-2167 na nag-uutos sa lahat ng Driver's License Renewal Offices (DLROs) na nasa mga mall na tumanggap ng aplikante tuwing Sabado, simula sa Hunyo 22.

Probinsya

4 na mangingisda, natagpuan matapos ilang araw mawala sa katubigan ng Occidental Mindoro

Ang hakbang ng LTO ay "[to] fully maximize the accessibility and availability" ng kanilang serbisyo sa publiko sa mga mall, at mapagsilbihan ang mga aplikante na abala tuwing weekdays.

Sa pagbabahagi ni LTO Executive Director Romeo Vera-Cruz, sinabi niyang hindi bababa sa 80 aplikante sa mga provincial offices hanggang 180-200 sa mga siyudad, ang nagtutungo sa mga tanggapan ng LTO para mag-renew ng lisensiya kada araw.

Hinikayat naman ng ahensiya ang publiko na magpatala ng appointment para sa renewal o application sa LTO Personal Appointment and Scheduling System (PASS) sa www.lto.net.ph.

-Alexandria Dennise San Juan