KAILANGANG maging matalino para mapanatiling malusog ang katawan at manatiling kompetitibo sa anumang sports na lalahukan.

IBINIDA sa Taiwan Excellence Awards Expo ang iba’t ibang modernong kagamitan ukol sa health, fitness at wellness.

IBINIDA sa Taiwan Excellence Awards Expo ang iba’t ibang modernong kagamitan ukol sa health, fitness at wellness.

Bukod sa iba’t ibang health supplement, makatutulong din ang mga makabagong teknolohiya na kilala bilang ‘smart heathcare’ sa kasalukuyang henerasyon.

Mula sa konsepto ng tradisyunal na pamamaraan, mabibili na sa merkado ang iba’t ibang modernong kagamitin para mapangalagaan ang ating kalusugan at mapanatiling palaban ang isipan at pangangatawan maging kompetitibong atleta o simpleng heath conscious.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kabilang ang bansang Taiwan na naglalabas ng mga modernong sports equipment at kagamitan para sa pangkalusugan na tunay na ‘superior’ ang teknolohiya kung tibay ang pag-uusapan. Sa nakalipas na mga taon, ang value ng Taiwan’s biomedical industry ay sumirit sa US$16.2 bilyon.

Kabilang sa bagong ipinakilala ay ang Taiwan Excellence Award winner Asustek Computer na magagamit para sa mas kongretong pagkuha ng mga data ng mga pasyente sa mga ospital.

Ipinbakilala rin ang OmniCare, isang medical Internet-of-Things platform, na komokolekta sa biometric data mula sa iba’t iabng instrument at smart wearable devices.

Para sa mas detalyadong impormasyon hingil sa Taiwan Excellence, makibahagi sa nakatakdang programa tulad ng Taiwan Excellence 3 on 3 Hoop Challenge sa Hunyo 29-30 sa SM Megamall; ang IoT Business Platform sa Hulyo 24-25 sa Manila Marriott; Taiwan Excellence E-Sports Cup sa Oktubre 4-6 sa Metro Manila; at Taiwan Expo sa Nobyembre sa Davao City.