HINDI na nakapagpigil si Jason Abalos at sinagot ang bashers ng girlfriend niyang si Vickie Ruston na hindi pinalad manalo sa katatapos lamang na Bb. Pilipinas pageant, dahil hindi niya nasagot nang maayos ang tanong na ibinigay sa kanya ni Daniel Padilla.

Jason at Vickie

Sa Instagram (IG) ni Jason nagko-comment ang basher at sabi nito: “Sorry pero ‘yun na ‘yung best niya that night. Thank you next Aling Vickie.”

Sinagot ito ni Jason: “Yup she tried. Ikaw ano ginawa mo sa buhay mo?”

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

May nag-comment naman ng: “Sayang naman nablangko sa Q&A. Dami pa naman special awards.”

“Educator? Ano tinuturo mo?,” ganti ni Jason. (Teacher siguro si @ willburryan).

Sa nag-comment ng, “Overrated, she’s just sponsors’ favorite. Lol, the question she got for Q&A was even bias because her advocacy is mental health yet she didn’t answer well. Maybe Ms. U isn’t really for her.”

Sinagot siya ni Jason ng, “Sali ka mag-cheer kami for you.”

Sa humirit naman ng, “@vimushton such a loser for blaming someone kaya ‘di nakasagot. Nasa kanya ba ‘yung sagot? No matter how distracted you are, kung talagang alam mo ang isasagot, makakasagot ka. Why not accept na lang na talunan ka? You got those special awards kasi artista ka, but the crowns belong to the REAL queens.”

Mukhang nagalit na si Jason sa sagot nitong, “kupal nito, may sinisi ba siya? Ang sinabi niya lang nanghihinayang siya kasi na distract ‘yan, inamin niya nga eh. Sinabi niya ba na dapat siya ang nanalo? Malakas loob nito magsalita kasi na walang nakakakita don mo sa stage sabihin ‘yan ‘yung madaming nanonood.”

In fairness, marami ang nagtanggol kina Vickie at Jason at pinayuhan si Jason na ‘wag na lang pansinin ang bashers. Saka, inamin na ni Vickie na na-distract siya sa taong nasa harap niya na nag-make face. Pero tama ang mga nag-react na dapat sanay na siya sa bashers lalo na at artista siya at sanay humarap sa maraming tao.

Anyway, sabi ni Vickie sa interview, wala pa siyang plano kung ano ang mga susunod na gagawin. Pero nabanggit nitong tuloy ang medical mission niya.

Si Jason naman, tuloy ang taping ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Bihag at makabubuti nga kung dedma na lang siya sa mga basher.

-Nitz Miralles