NAKOPO ng Philippine National Police (PNP) Table Tennis Team ang dalawang kampeonato, habang nanaig ang pambato ng Philippine Air Force sa women’s single event sa ginanap na 2019 Filipino-Chinese Friendship Day Table Tennis Invitational Tournament nitong weekend sa FFCCCII gym sa Manila.

TINANGGAP ng Team FCAAF, sa pangunguna nina dating TATAND president Charlie Lim (dulong kaliwa) at Philip Uy (dulong kanan) ang tropeo matapos makopo ang runner-up sa Veteran at women’s single event sa 2019 Filipino-Chinese Friendship Day Table Tennis Invitational Tournament. Kasama rin sa koponan sina Marcos de Jesus at Julia Zhang.

TINANGGAP ng Team FCAAF, sa pangunguna nina dating TATAND president Charlie Lim (dulong kaliwa) at Philip Uy (dulong kanan) ang tropeo matapos makopo ang runner-up sa Veteran at women’s single event sa 2019 Filipino-Chinese Friendship Day Table Tennis Invitational Tournament. Kasama rin sa koponan sina Marcos de Jesus at Julia Zhang.

Ginapi ng PNP na binubuo nina Lt. Col. Bonnie Chua, Rechill Cobrado, Emon Abonitalla, at Lucio Chen ang FCAAF squad nina Peter Lim, Peter Lam, at Steven Rong para makamit ang titulo sa VIP division.

Nagharap sa runner-up class ang Jose Reyes Hospital nina Dr. Rafael, Nesty Santos, Jr Santos , at Ricky Chuaquico , gayundin ang PCSO nina Jason Javier, Gerald Oquendo, Scott Javier, at Ernesto Santana.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanaig din ang PNP, binubuo nina Richard Nieva, Rechill Cobrado, Lucio Chen, at Bonnie Chua sa Veterans class laban kina Marcos de Jesus , Charlie Lim, Philip Uy, at Julia Zhang ng FCAAF.

Tumapos na runner-up ang Phil Army nina Mergel Sison, Ryan Ancheta, at Jon Yamson. Gayundin ang PAF nina Bong Verendia, Louie Ramos, at Geoffrey Apas.

Sa women’s single event, nanaig si Sandra Bazar ng PAF kontra sa kasanggang si Girly Apas, habang ang runner-up ay sina Julia Zhang ng FCAAF at Lyr Eden Leyva n g PAF.

Ang iba pang koponang sumabak sa torneo na taunang isinasagawa bilang paggunita sa Filipinbo-Chinese Friendship Day ay ang PSC, GSIS, Landbank, PCSO, JRMHTTC, PNP, Phil Army, PAF, FCAAF, FFCAA, at FFCCCII.

Inorganisa ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. at Filipino Chinese Athletics Federation, ang kompetisyon ay suportado rin ng Philippine Sports Commission, at Table Tennis Association for National Development (TATAND).

Bukod sa table tennis, nakatakda rinbg isagawa ang friendly game sa sports na badminton, basketball, cycling, chess at golf.