Warriors, nakaigpaw ng bahagya, 2-3, sa NBA Finals

TORONTO (AP) — Nagbalik aksiyon si Kevin Durant, subalit bahagya lamang. Ngunit, sapat na ang kanyang presensiya at naiambag na 11 puntos para maisalba ng Golden State Warriors ang Toronto Raptors, 106-105, at bigyan buhay ang sisinghap-singkap na kampanya para sa makasaysayang ‘three-peat’ nitong Lunes (Martes sa Manila) sa Game 5 ng NBF Finals.

WINNING TIME! Napa-wow ang manonood nang maisalpak ni Stephen Curry ang three-pointer na nagpatabla sa iskor at nagbigay ng momentum sa Golden State Warriors tungo sa manipis na 106-105 panalo kontra Toronto Raptors sa Game 5 ng NBA Finals. (AFP)

WINNING TIME! Napa-wow ang manonood nang maisalpak ni Stephen Curry ang three-pointer na nagpatabla sa iskor at nagbigay ng momentum sa Golden State Warriors tungo sa manipis na 106-105 panalo kontra Toronto Raptors sa Game 5 ng NBA Finals. (AFP)

Tangan pa rin ng Raptors ang 3-2 bentahe at maisasakatuparan ang minimithing kampeonato sa Game 6 na babalik sa Oracle Arena sa Huwebes (Biyernes sa Manila).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hataw sina Stephen Curry at Klay Thompson sa kabuuan ng laro, tampok ang krusyal three-pointer na nagbigay panalo sa Warriors para hindi mabalewala ang pagbabalik aksiyon ni Duranet para tulungan ang koponan na makaiwas sa kabiguan.

Tulad ng inaasahan, nagbalik laro si Durant mula sa halos isang buwang pahinga dulot ng strained calf, ngunit panandalian lamang ang tuwa nang mga tahanga nang magtamo ng bagong injury ang two-time Finals MVP sa Achilles sa kaagahan ng second period. Kumana siya ng 11 puntos, tampok ang 3-for-3 sa three-point area.

Kumana si Curry ng 31 puntos, habang tumipa si Thompson ng 26 puntos. Nagtumpok ang ‘Splash Brothers’ nang pinagsamang siyam na puntos sa three-pointer sa krusyal na sandali matapos maagaw ng Toronto ang anim na puntos na bentahe tungo sa huling dalawang minuto.

Naisalpak ni Curry ang three-pointer mula sa pasa ni Andrea Iguodala para maitabla ang iskor sa 103-all., bago nasundan ni Thompson para maagaw ang bentahe sa 106-103. Tinawagan ng goal tending si DiMarcus Cousin sa layup ni Kyle Lowry para matapyas ang bentahe ng Warriors.

Nagtamo ng turnover si Dreymond Green at natawagan ng offensive foul si Cousin sa loob ng huling 56 segundo, subalit nabigong makagawa ng maayos na play ang Raptors kay Kawhi Leonard at nadepensahan ni Green ang three-point attempt ni Lowry sa buzzer.

Kumubra si Leonard ng 26 puntos, habang kumana si Lowry ng 18 puntos at tumipa si Marc Gasol ng 17 puntos.