May bagong reyna!

Miss Universe Philippines Gazini Ganados at Miss Universe 2018 Catriona Gray

Miss Universe Philippines Gazini Ganados at Miss Universe 2018 Catriona Gray
Isang 23-anyos na Cebuana ang bagong Miss Universe ng Pilipinas, makaraan siyang koronahan bilang pambato ng bansa sa Miss Universe 2019 sa Binibining Pilipinas 2019 coronation night sa Smart Araneta Coliseum, ngayong Lunes ng madaling araw.

Inilipat ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanyang korona kay Gazini Christiana Ganados, ng Talisay City, Cebu, na magiging sentro na ng atensiyon ng buong bansa kung magagawa niyang muling iuwi ang korona sa Miss Universe 2019 sa huling bahagi ng taong ito.

Sa question-and-answer portion, nagmula sa isa sa mga judge na si Bobby Barreiro ang tanong para kay Gazini: “If you win the crown tonight, what can you do to get more women in the workplace?”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“If I win the crown tonight, what I will do is to promote my advocacy. My advocacy is for us women to fight for our rights and for elderly care and for us to be able to know that someone is loving and someone is pushing us to whatever ambitions that we have. We will be able to rise from our decisions to whatever dreams that we have, goals that we have, and we will achieve it because of those values, those wisdoms that they gave us. Thank you,” sagot ni Gazini.

Bukod kay Gazini, may mga bagong kinatawan din ang bansa sa iba’t ibang international beauty pageants ngayong taon: si Bea Patricia Magtanong, Bb Pilipinas International 2019; si Emma Mary Tiglao, Bb Pilipinas Intercontinental 2019; si Leren Mae Bautista, Bb Pilipinas Globe 2019; si Samantha Ashley Lo, Bb Pilipinas Grand International 2019; at si Resham Ramirez Saeed, Bb Pilipinas Supranational 2019.

First runner-up si Maria Andrea Abesamis, habang 2nd runner-up naman si Samantha Bernardo.

Marjaleen Ramos