SUPORTADO ni Cabuyao City Mayor Atty. Rommel A. Gecolea ang kampanya ng 1- anyos na si Jersey Marticio ng Pulo National High School ng Cabuyao City, isa sa pambato ng Pilipinas sa pagbubukas ngayon ng 20th Asean Age Group Chess Championships 2019 na gaganapin sa Golden Mandalay Hotel at Hotel Hazel sa Mandalay City, Myanmar.

NAGBIGAY pugay ang 11-anyos na si Jersey Marticio (ikatlo mula sa kaliwa) ng Pulo National High School ng Cabuyao City kay Cabuyao City Mayor Atty. Rommel A. Gecolea (ikalawa mula sa kaliwa). Ang iba pang nasa larawan mula kaliwa ay sina Councilor Imelda Entredicho., Balbino Marticio, Jolly Smile Dental Clinic top honcho Dr. Fred Paez at Apollo Agapay.

Tiwala ang butihing mayor ng Cabuyao City na muling magbibigay ng karangalan sa bayan si Marticio na maraming ng beses nag-uwi ng tropeo at medalya partikular na ang pagre -reyna sa Southern Tagalog CALABARZON Athletic Association (STCAA), pamamayagpag sa Goldenmind Chess Club sa Lipa City, Batangas at sa Costa Abril Resort chess tournament sa Rodriguez, Rizal sa magiting na pamumuno ni Barangay Bagong Silangan Chess Association boss Rogelio Baccay.

Nakasama ni Jersey sa courtesy call kamakailan kay Mayor Gecolea ang kanyang ama at sina councilor Imelda Entredicho, Balbino Marticio, Dr. Fred Paez at Apollo Agapay.Lubos naman ang pasasalamat ni Dr. Paez na top honcho ng Jolly Smile Dental Clinic sa Cabuyao City ang nagpapalaganap ng chess sa grass-roots level sa Southern Tagalog sa patuloy na pagsuporta ni Mayor Gecolea sa larong chess sa pakikipagtulungan ni councilor Entredicho. Isa din si Agapay sa mga mga tinutulungan ni Mayor Gecolea sa chess

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!