Ito ang reaksyon Father Melvin Castro, ng Diocese of Tarlac kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinisisi nito ang Simbahang Katolika sa mabilis na paglaki ng populasyon ng bansa.

POPULATION(22)

Binanggit ni Castro ang inihayag kamakailan ng punong ehekutibo na kasalanan ito ng Simbahang Katolika dahil ipinatitigil nito ang birth control at family planning.

"We are the fastest...in population control and I squarely blame the Catholic Church. They are the ones stopping birth control and family planning," sabi nito sa isang television interview.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pinagbatayan din ng pangulo ang pagkontra ng Simbahang Katolika sa pagpasa ng Reproductive Health Law sa paniwalang isa itong “anti-life and family’.

Ipinaliwanag ng Simbahang Katolika na sila ay sumusuporta sa responsible parenthood at natural family planning.

Sa nasabi ring panayam, sinabi ni Duterte na dapat na lamang na mag-resign ang mga opisyal ng Department of Health kung hindi nila masunod ang family planning law ng pamahalaan dahil lamang sa religious beliefs.

"You are not performing? You are not following government policy? It gets into your religious beliefs? Then step down. Leave the government," ayon kay pa Duterte.

-Leslie Ann Aquino