RIGHT after natapos ang taping ni Maine Mendoza para sa sitcom nila ni Bossing Vic Sotto na Daddy’s Gurl, nag-post kaagad siya sa kanyang Twitter tungkol sa special guest nila.

Maine at Dante

Dante Gulapa is our special guest here in Daddy’s Gurl for next week’s episode, and I swear sobrang bait niya, fun and adorable! Naalaala ko ‘yung thread na nabasa ko about him noon pa. Tuwang-tuwa ako sa kanya talaga! Proud #Gulapanatic here!”

Si Dante ang viral former macho dancer na hinahangaan ni Maine. Minsan na nga niyang ginaya si Dante sa isang segment ng Eat Bulaga nang sinayaw niya ang “Gulapa moves” o ang “Eagle dance” na nagpasikat kay Dante, at talaga namang tinilian ng mga fans sa APT Studio.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Kaya inaabangan ng mga netizens ang pagsayaw nina Maine at Dante sa Daddy’s Gurl na sasabayan pa nila ng kulitan. Bentang-benta kasi ang kakulitan ni Stacy (Maine) sa mga eksena nila sa sitcom, na idinidirek ni Chris Martinez.

This Saturday, June 8, si Sheena Halili ang special guest sa Daddy’s Gurl, na napapanood pagkatapos ng Pepito Manaloto

-NORA V. CALDERON