WALANG gusot na hindi naayos sa magandang usapan.

DUREMDES: Amateur kami

DUREMDES: Amateur kami

Ganito nagtapos ang isyu ni Rio Olympic silver medalist Hidily Diaz sa Philippine Sports Commission (PSC) matapos bumaha ng negatibong reaksyon ang pahayag ng una hingil sa kawalan ng suporta ng pamahalaan sa kanyang paghahanda sa 2020 Tokyo Olympics.

Umani ng pambabatikos ang 27-anyos weightlifting champion matapos ilathala ng PSC ang mga dokumento na nagpapasinungaling sa mga naunang inihayag ni Diaz.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kasama si AFP Special Services Chief Col. Taharudin Ampatuan, personal na humingi ng paumanhin si Diaz sa PSC, sa pangunguna ni Chairman William Ramirez.

“Let’s journey together towards that gold,” ito ang mariing pahayag ni Ramirez sa kanyang pagharap kay Diaz.

Ayon kay Ramirez, patuloy na susuportahan ng ahensiya si Diaz, gaya ng kanilang naunang pangakong suporta sa kanya noon, kung kaya marapat lamang na ituloy nila ito para tagumpay ng nasabing atleta sa kanyang kampanya sa 2020 Tokyo Olympics.

“The government will continue to support her. We have pledged our support before, and we will continue to do so because we are focused on that Olympic gold as much as Hidilyn is,” pahayag ni Ramirez.

Sa katunayan, inaprubahan na rin ng PSC Board ang dalawa pang financial request para sa pag-eensayo ni Diaz sa China.

Samanta, nangako naman si Diaz na hindi siya susuko sa kanyang kampanya para sa mailap na ginto ng Olimpiyada at patuloy na pagbutihin ang kanyang pagsasanay para sa bayan.