GAGANAPIN sa Manila Prince Hotel ang first Tempo Inter-Schools rapid chess championships sa Hulyo 20.
Sa pagtataguyod ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), ang torneo ay bahagi ng pagdiriwang sa ika-37 anibersaryo ng pahayagang Tempo, sister publication ng Balita at Manila Bulletin.
Inaasahang 300 estudyante mula sa iba’t ibang eskwelahan ang inaasahang sasabak sa isang araw na torneo na hinati sa tatlong division – college, high school at elementary.
Ito ang unang pagkakataon na magsisilbing host ang Manila Prince, ang 300-room business hotel na matatagpuan sa panulukan ng United Nations Avenue at San Marcelino Streets, sa Malate.
Bukas din ang kompertisyon sa Open at women’s class.
Ang mangungunang scorer matapos ang seven-round Swiss System event ang tatanghaling kampeon sa torneo na may time control 15 minutes with 10 seconds increment.
Tatanghalin namang team champion ang koponan na may pinakamataas na iskor.
Bukas na pagpapatala sa online at matatapos sa Hulyo 10.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Michelle Yaon sa mobile no. 0966-8108378, [email protected] o bisitahin ang philchesstournaments.com