ISANG linggo matapos ang naging impresibong league debut ni Bobby Ray Parks, nagtala ng bagong career-high 39 puntos si CJ Perez nang pamunuan ang Columbian Dyip sa unang panalo sa 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Nagtala ang last year’s top rookie pick ng 7-of-8 shooting sa 3-point range sa kanilang 120-105 panalo kontra NLEX.

Sa kabuuan, nagposte si Perez ng 15-of-21 field goal shooting bukod pa sa 9 na rebounds, tig-tatlong assists at steals at isang turnover upang maiahon ang Dyip mula sa unang tatlong sunod na kabiguan.

Dahil dito, si Perez ang naging hands down choice para maging PBA Press Corps-Cignal Player of the Week noong Mayo 29 -Hunyo 2.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang 25-anyos na si Perez ang ikalawang sunod na rookie na nagwagi ng weekly honor kasunod ni Parks para sa mid-season conference.

Kabilang sa mga tinalo ni Perez para sa lingguhang citation si Parks, Anjo Caram ng Meralco, ang Barangay Ginebra pair nina Greg Slaughter at Scottie Thompson, Alaska guard Jeron Teng, Roger Pogoy ng TnT Katropa, Matthew Wright ng Phoenix, at ang NorthPort tandem nina Mo Tautuaa at Sean Anthony.

-Marivic Awitan