Bakit nga ba nababanggit ang pangalan ni Andrea Torres sa hiwalayan ni Derek Ramsay sa kanyang long-time girlfriend?

Andrea Torres at Derek Ramsay

Andrea Torres at Derek Ramsay

Ikinagulat ng mga friends nina Derek at Joanne Villablanca ang balitang after six years of living together, nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Hindi na nga ito nagtuloy sa kasalan na akala nila ay doon ito magwawakas.

Kinumpirma naman ni Derek mismo, kahapon, ang hiwalayan niya sa kanyang longtime GF. Totoo raw ang break-up nila pero hindi na nagbigay ng dahilan si Derek. Gusto raw niyang sa kanila na lang ni Joanne iyon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May mga nagsasabing baka raw si Andrea ang dahilan ng break-up ng dalawa.

Si Andrea ang leading lady ni Derek sa first teleserye niya sa GMA Network na “The Better Woman”. Matatandaang naging open si Derek sa paghanga niya sa sexy actress, simula pa nang una silang magkasama sa story conference ng teleserye, na nasundan sa look test nila, kasama si Ina Feleo.

Kahit sa GMA Summer station ID ay magkasama rin sina Derek at Andrea.

Inamin din ni Derek na nakita niya ang dalawang side ni Andrea, iyong pagiging artista, at iyong personal side nito na mukhang lalong ikinahanga ni Derek sa aktres.

May mga times pa ngang ipinagtanggol ni Derek si Andrea sa mga bashers ng aktres na nagsabing dapat ay mas malaking aktres ang itinambal ng GMA kay Derek since first teleserye niya ito sa Kapuso Network.

Sa ngayon ay patuloy ang pagte-taping nina Derek at Andrea ng “The Better Woman”, kung saan may dual role si Andrea.

Nora V. Calderon