HINDI sinasadyang umeksena sa It’s Showtime ng ABS-CBN nitong Lunes si Willie Revillame, makaraang i-phone patch ang Wowowin host sa “Tawag ng Tanghalan”.

Willie at Vice

Hindi kasi sinasadyang nabanggit ng contestant ng TNT ang Wowowin, si Clyde Borongan, nang magkuwento tungkol sa hiling nitong regalo sa kanyang anak.

Gusto kasi ng TNT contestant mula sa Iligan City, na nagdiriwang din ng kanyang kaarawan, na mabigyan siya ng drone para sa kanyang anak na lalaki.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Napag-usapan ng hosts na sina Vice Ganda at Mariel Rodriguez si Willie, dahil sa halip na It’s Showtime, muntik nang sabihin ni Clyde na siya ay nasa Wowowin, ang popular game show ni Willie sa GMA-7.

Sinabihan ni Vice si Clyde na para matupad ang pangarap nitong magkaroon ng drone, manawagan siya kay Willie dahil baka nanonood ito.

Kaya si Ogie ang gumawa ng paraan na makausap via phone patch ang host ng Wowowin.

“Vice, Ogie, ipaalaala mo lang na dati kong timeslot ‘yan na kinuha n’yo,” birong bungad ni Willie.

Matatandaang si Willie ang dating host ng Wowowee, ang noontime show noon ng ABS-CBN. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang TV host at ang management hanggang sa tuluyang lisanin ni Willie ang ABS-CBN, nine years ago.

Sa huli, pumayag ang Kapuso TV host na ibili ng drone si Clyde, na idineklarang daily winner ng TNT.

Nagbiro pa nga si Willie: “Puwede ba akong mag-guest diyan?”

Sagot ni Vice: “Ay, oo, Kuya Will! Ngayon din, halika na!”

“Ha, ha, ha, ha, huwag! Baka matanggal na naman ako,” sabi ni Willie. “Lagi na lang akong natatanggal sa istasyon. Baka matanggal na naman ako.”

“Huwag kang mag-alala, bago ka matanggal, kami muna!” sagot naman ni Vice.

-ADOR V. SALUTA