Bumaba ang bilang ng mga walang trabaho at underemployed workers sa bansa ngayong taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa PSA, mula sa 5.5 porsiyento ay bumaba sa 5.1% ang mga walang trabaho, at bumaba rin sa 13.5% ang underemployment mula sa 17%.
Kasabay nito, tumaas sa 94.9% ang employment rate mula sa 94.5%.
Paglilinaw ng PSA, pasok sa employed workers ang mga may part-time o full-time job, na tinatayang nasa 67.6%, kung saan pumapatak ng 40 oras o higit pa kada linggo ang oras ng trabaho, at ang natitirang bahagi naman ay ang may mga part-time na trabaho.
-Beth Camia