Isa na namang bloke ng cocaine na nagkakahalaga ng P5.6 milyon ang nabingwit  ng mga mangingisda sa karagatan ng Rapu-Rapu sa Albay, nitong Lunes ng gabi.

COCAINE (21)

Ayon kay Major Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office 5 (PRO-5), ang nasabing iligal na droga ay nadiskubre nina Nilo Aguilar, 38; Joy Dunguran, 42, at Joven Cambi, 24, habang sila ay nangingisda sa bisinidad ng Prieto Diaz sa Sorsogon.

"Out  of curiosity they opened the brick which was wrapped with color brown packing tape and they discovered white crystaline powder with unlikely smell," ayon sa kanya.

Hanash ni Roque: 'May karapatan akong tawaging bangag si Marcos Jr!'

Na-turn over aniya ng tatlong mangingisda ang iligal na droga sa barangay officials ng Sta. Barbara, Rapu-Rapu na agad namang dinala sa pulisya.

-Niño N. Luces